IREGISTRO (FIL)
AKP/nov-4-2014
Pwede nang mag-rehistro ang mga may kapansanang botante o P-W-D na naninirahan sa Metro Manila sa pamamagitan ng iRegistro Project ng Comelec.
Sa iRegistro, maaaring kumpletuhin ng mga P-W-D ang kanilang registration forms sa pamamagitan ng website ng Comelec
Inaasahang makakatulong ang proyektong ito sa pagpapaikli ng mga pila sa mga opisina ng Comelec sa NCR dahil ang mga botante ay maaaring magrehistro anumang oras na naaayon sa kanila.
Layunin ng iRegistro na tulungan ang mga P-W-D at ang mga botanteng di gaano marunong magbasa o sumulat dahil mayroong mga registration forms na madaling punuan.
Subalit kailangan pa rin ng mga botanteng pumunta sa mga opisina ng Comelec upang mag sumite ng form at magpa-biometrics, o magpakuha ng retrato, signature at fingerprints na gamit ang isang makina.
Umaasa si Carmen Zubiaga, Acting Executive Director ng National Council on Disability Affairs, na maaabot din ng iRegistro ang mga botanteng P-W-D sa buong Pilipinas sa lalong madaling panahon.
(end)