PWD ID (FIL)
AKP/dec-29-2014
Ang mga taong may chronic illness o sakit na walang lunas ay dapat ding mabigyan ng P-W-D I-D cards.
Ito ay isa sa mga rekomendasyon ng isang masusing pag-aaral na kinumisyon ng Department of Health sa tulong ng Western Pacific Regional Office of the World Health Organization.
Ayon dito, ang kasalukuyang pamantayan sa pagbibigay ng ID cards sa mga may kapansanan ay hindi naayon sa mga batas na lokal at internasyonal.
Sa ngayon, ang pagbibigay ng ID cards ay base lamang sa medikal na pamantayan.
Hindi kasali rito ang mga chronic illness na madalas ay nagiging hadlang upang maging bahagi ng lipunan ang isang mamamayan.
Upang lalong maging makabuluhan ang programa para sa mga may kapansanan, dapat ay mabigyan din ng ID cards ang PWDs na may chronic illness,
ayon sa bagong pag-aaral.
Ang isang PWD na may ID card ay mabibigyan ng diskwento sa pagbili ng gamot at iba pang serbisyo.
(end)